Picture of the Weak

Picture of the Weak
wow ganda mo tsong

Monday, July 7, 2008

Dubai Buhay

Minsan kasi
Dumarating sa buhay natin ang pagka-bagot
Sa araw araw na ginawa nating pareho
Ritual
Gumising, maligo, kumain, pumasok
Sa lansangan, kanya kayang direksyon
Marami ang may pupuntahan
Ngunit walang patutunguhan
Marami rin ang ligaw
Marami ang hinahanap
At mga naghahanap
Pero paglabas natin ng kwarto natin
Iisa lang ang ating pakay
Ang magkaroon ng kabuluhan ang ating buhay
Kahit sa isang araw lamang

Pagkauwi
Kakain, magbibihis, magaayos ng gamit
Sa panibagong pakikibaka sa kinabukasan
Hihiga sa ating mga kama
Makakaramdam ng panandaliang ngiti
Dahil alam natin na pag nalapat na ang mga likod natin
Sa ating mga kama
Ito ay atin, at sa panandaliang tulog
Ang mundo ay atin
Araw araw mga kaibigan
Tayo ay may kani-kanyang paglalakbay
Tungo sa mailap na langit na ating pilit na inaabot

Sana sa ating pag gising
Makamit natin ang mga sandaling
Nawala
Nalunod
Sa pang araw araw na ritual
Makangiti man lang
At makahinga ng maluwag
Bago sumabak ulit
Sa ating mga
Minsanang ritual

No comments:

Powered By Blogger
melissa jade, or mhykie to her friends, is a graduate of architecture from the university of baguio, philippines. currently working towards her board exams, she likes to read and swim and update her blog.