Picture of the Weak

Picture of the Weak
wow ganda mo tsong

Thursday, May 28, 2009

Ikaw at Ang Ako

Ganito ba talaga
Ang hirap maintindihan
Para akong nasa dagat
Lumulutang
Walang pinatutunguhan
Ngunit may pinaroroonan

Hindi ko maintindihan
ANg ninanais ng isipan
Sa sandaling sumaglit ka sa akin
Nakapako
Naloloko sa kakaisip

Laman ng damdamin ko
Naguguhong mga bato
Mabibigat, malalaki, matitibay
Ngunit pag may dumamping hangin na kinasasaklawan mo
Eto na
Gumuguho

Sa tagal ko rito
Wala na akong naramdaman
Nagmanhid na ang mga ugat sa kamay
Nangalay na ang mga paa sa kakalakad
Sa daang walang hangganan

Dumating ka
Nagbigay ng sapat na kalinga
Sa mga sugat ng mata
Sa katahimikan ng buhay
Sa ilalim ng dagat

Ngayon
Naguguluhan
Saan nga ba manantili ang tulad ko
Sa landas ng mga pinatutunguhan
O sa aking paroroonan

No comments:

Powered By Blogger
melissa jade, or mhykie to her friends, is a graduate of architecture from the university of baguio, philippines. currently working towards her board exams, she likes to read and swim and update her blog.