Picture of the Weak

Picture of the Weak
wow ganda mo tsong

Tuesday, June 24, 2008

My Bois

To give tribute to a lot of people na naging kaibigan ko (na tunay) nuong mga panahong pinaka masaya ako sa buhay ko, ilalagay ko sa dito para hindi ko sila makalimutan.

  • Si Emerson Aguada... aka Kyut. Y? Kasi nung first week sa school may mga nakapila na mga chicks sa registrar. Ang tangengot, nasa likod siya tapos inaamoy yung buhok nung isa. E biglang humarap, ang banat ng boy wonder namin eh "Hi girls, cute ba kaming mga boys?" Ayun, naging kyut. Ugali? Sa natatandaan ko, tahimik, sensitive at virgin. Hehehe. cympre lahat pa kami nun. 16 years old ata kami nun. Eto mabait, at sweet.
  • Si Emmanuel (something)... nagtransfer na sa Assumption nung 2nd year kami. Ang natatandaan ko dito eh nung nag bar kami at ayaw-ayaw pa siya tapos biglang nakaamoy ng johnsons... yun gabi-gabi nagyayaya. Naging Manny tuloy ang pangalan. Maniakis.
  • Si Ernesto Elizondo Jr.-Estong. Bestfriend Bulakeno extra ordinaire ni Lendl. Tahi-tahimik sa chicks pero makamandag yan. Matangkad. Pastor. Gentleman. Mabait.
  • Rei Lendl Santiago.-Lendl. Gwapo, mukhang conyo, mainitin ang ulo pero saksakan ng kasweetan sa buto. Araw-araw may love letter, kahit kalagitnaan ng klase may naka ambang sulat para sa "baby" nya. Unang boyfriend ko. Babaero. Komedyante. Wala nang kapantay sa pakikisama.
  • Harold Manalili-ang pinaka gwapo sa lahat (siyempre bestfriend ko). Fair, honest, sobrang mahal ako. Senti ito, hindi lang obvious. Ilang beses na akong nakita nitong nasa itaas ng buhay at nakasadsad sa lupa. Andyan pa rin siya. Pareho kami ng bday kaya pareho ugali. Tahimik, nasa luob ang kulo. Mapili sa kaibigan. Magaling makisama. Nag aaral pa!
  • Jesus B. Guban Jr.-Jay. Ang boyfriend ni Mhykie. Ang nanulot "daw". Mabait, cancer kasi. Malambing at ubod ng galing magpatawa. Kahit papatay na ako ng tao, mapapatawa pa ako nito. Kaso, nagpasulot ke Ancel... E di sana nakapag asawa na ako ngayon...
  • Brigido Pabalan.-Briggs. Ang die-hard fan ni Thine. Sa una hangang tingin lang. Ngayon, asawa na nya. Sa bahay nila kami madalas uminom at malapit sa school. (actually magkapitbahay kami nyan at one point). Kahilig lang sa babae. Babae mahilig din sa kanya. Remember Shiva? hehehe
  • MichealAngelo Donato-Donats. Basketbolista. Tatooan. Grabe pag may nang api sa akin yan ang babanat. Gentle giant. Hindi nagbabago ang ugali.
  • Michealangelo Dela Vega. Mike. R.I.P my boi.
  • Allan Urbanoso.Allan. Famous basketball player ng baguio saksakan ng gwapo (sabi ng mga fans nya) pero sa amin sympre ordinaryo lang mukha nyan no! hehehe. Mahal na mahal ako nyan, may inupakan nga yan dahil akala nya pina iyak ako nuong taong yun. Muntik pang ma pulis. Mabait, matampuhin, fiercly loyal sa mga kaibigan.
  • John Vincent Herradura Tope. JV2P. Maliit, henyo at adik sa games. Kasundo ko sa kainternetan at ka autokadan. sabi nila 2 lang daw kaming magaling sa autocad sa baguio nuon! hehehe. nung time namin yan ha! kasi nagsipag abroad na ang mga magagaling. hehehe. Matampuhin yan, magulo utak, pranka, pero sa luob sweet. kaso nung naghiwalay kami, hindi na sweet yan eh. kunwari. pero love pa ko nyan. hehehe
  • Dennis Mendoza. Jabongga. Kapampangan na kasundo ko kasi pag seryosong usapan andyan yan. Pati katarantaduhan.
  • Ernesto Cruz III. Gart. Eto drinking buddy. Laging may nakambang payo yan kapag lumapit akong ngarag dyan. Naaalala ko mga katarantaduhan natin tol!
  • Erwin Perez. Baboy. pero ako, nigger tawag ko dyan. ako lang nakakatawag ng ganyan dyan. Sobrang malambing, honest at laging maaasahan. Mukhang toughie pero soft tissue yan sa luob.
  • Edong-putcha, nakalimutan ko full name mo chong ha! Eto si internet shop, laging naka ambang shot at maalaga sa mga kaibigan. Masamang malasing. hehehe
  • Lloyd Morales.Negro-ang taong nagpaligo ng downy sa aso nya tapos nagtaka kung bakit namatay yun kinabukasan. Sus, dami kaming pinagdaanan nito, hanggang sa nagkapamilya na in touch pa rin. Eto ang original na sweet sa akin. Loveyounegs!
  • Richard Viduya.Chard. ang gangster na tahi tahimik pero pag kilala ka nyan, sus, galawgaw lalo na sa dance floor! hehehe
  • Gilbey Padilla.Gilbs.Naku, eto isa sa mga taong grabe kung magmahal. Grabe sakripisyo, at loyal. Mabait na kaibigan, walang hihilingin na kapalit. miss na kita tol
  • Aaron Arguelles.Arguelles.Putcha tol, ang BCF nakarating na ng tropang UB. Gifted. Mahiyain pero kyut na tarantado. Mabait yan sa akin, at sira ulo.
  • Ryan jay Gumaya.Ry.The ultimate family man. Simplified gentleman na nung kapanahunan nya eh sandamakmak ang chicks. Pero ngayon, 3 kids na. Pare, tayo-tayo rin magkikita sa finals!
  • Bjorn Avena.Bunjong.Ang lalaking ang laki ng puso. Dami ako utang na luob dito. love ako nito sobra. Dati pa ate-ate lang, ngayon, sobrang friends na. Dami namin pinagdaanang biyak na pintuan nito, masyadong marami hindi magkakasya dito.
  • Benedict Hubert Carta Canlapan.Benedict. Ako lang ang umuubos ng pangalan nyan pero pag nakakatamad tawagin, dick na lang. Naku, isang libro ang description ko dito kaya wag na lang. One word na lang. Soulmate. Wahahahaa
  • Ricky Santiago.Supremo.Ang dakilang tagapagligtas ng mga kapampangan sa Baguio.Ang pastor ng Tarlac. Hindi kayang itumba ng ilang bote ng gin yan. Dapat ihampas mo na lang para makatulog. Mahal na mahal ko to, bap, mis da na ka.
  • Mar-chickboy pero wag ka, pag seryoso yan, iuuwi ka nyan.
  • Ryan.wild. Pinagaagawan ng mga babae. pinagaagawan ng lalaki. artista yan eh. ang screen name nyan si ...................... ...........................
  • Francis.Cis.Ang lalaking masipag at walang angal. Ang ganda ng gf nito promise! Runner ng tropa. Mabait at maasikaso sa bisitang babae.
  • Dominic.Dom.Businessman, bilyaran, 5-6, takbuhan ng mga nangangailangan, at higit sa lahat, simpleng tao na laging maaasahan.
  • Tim-sus, ang timoteo, sweet yang kumag na yan. Tawagin nga si Rose, mag blades sa burnham o kaya tumugtog sa banda! Rak on pare.
  • Benjamin Cariaga Jr.-nag iisang HANIKO. Hindi na kailangang imemorize yan.

Marami pa eh. Kaso, ang mga natatandaan ko at mga tumatak sa isip ko at nakasama ko ng matagal-tagal itong mga ito kasi. Sensxa na sa hindi nabanggit. Wag magtext ng kung ano ano ha! Istorbohin nyo na naman ako sa work! hehehe.

Miss ko na kayo.

Thanks for being a part of my tele-serye life!

No comments:

Powered By Blogger
melissa jade, or mhykie to her friends, is a graduate of architecture from the university of baguio, philippines. currently working towards her board exams, she likes to read and swim and update her blog.